Paano i-reset ang router

Na-update

Ibinabalik ng reset ang router sa factory settings. Nakakatulong ito kapag nakalimutan ang admin password o may problema ang device, pero buburahin nito ang lahat ng settings.

Nilalaman
  1. Magkaiba ang restart at reset
  2. Mga hakbang
  3. Pagkatapos ng reset
  4. Mga madalas itanong
  5. Kaugnay na pahina

Magkaiba ang restart at reset

RestartReset
PaanoTanggalin sa saksakan nang 30 segundoPindutin ang Reset nang 10–15 segundo
SettingsNananatiliNabubura
KailanMabagal o putol-putol na internetNakalimutang password, sirang settings

Mga hakbang

  1. Habang naka-on ang router, hanapin ang butas na Reset sa likod.
  2. Pindutin gamit ang paper clip nang 10 hanggang 15 segundo.
  3. Bitawan kapag kumukurap ang mga ilaw at maghintay ng isa hanggang dalawang minuto.
  4. Kumonekta gamit ang pangalan at password ng WiFi na nasa sticker, tapos buksan ang http://192.168.1.1.

Pagkatapos ng reset

  • Sa modem galing sa ISP, maaaring kailanganing i-configure ulit ang koneksyon — tumawag sa hotline kung walang internet.
  • Sa fiber, kadalasan ay bumabalik nang kusa ang settings.
  • Itakda ulit ang pangalan at password ng WiFi: palitan ang WiFi password.

Kung modem ito ng PLDT, Globe o Converge, maaaring mawalan ka ng koneksyon hanggang ma-configure ulit. Kung hindi ka sigurado, tumawag muna sa support.

Mga madalas itanong

Ilang segundo ang pagpindot sa Reset?

10 hanggang 15 segundo sa karamihan ng router, hanggang kumurap ang mga ilaw.

Nagbabago ba ang WiFi password pagkatapos ng reset?

Oo: babalik ito sa default na password na nakalimbag sa sticker.

Kaugnay na pahina